Pages

CJ Corona On Trial: Bukas na ang pag huhusga.



Ang Impeachment ni Chief Justice Corona ay parang teleserye na talaga namang inaantabayanan at sinusubaybayan ng mga madlang people tuwing alas dos ng hapon.


Bukas ay matatapos na ang teledramang ito, at sigurado marami ang maghihintay sa desisyon ng mga Senator Judges. Marami din at siguradon hindi mawawala ang iba't ibang reaksyon o opinyon ng mga madlang people sa magiging desisyon bukas.



Maraming nag tatalo at nag-aaway tungkol sa kung ano dapat ang gawing desisyon ng mga Senator Judges. Dapat ba nating siyang kaawaan? o baka naman dapat na nating itigil na ito?


Pero, sa wakas ay matatapos na rin.


Walang ng tigil sa telebisyon at radyo ang issue na ito, kailangan na talagang tapusin. Mas madalas ko na nga lang basahin ang mga sasabihin ng mga writer sa dyaryo at reaksyon ng mga blogger kesa makinig at mag aksaya ng oras ko sa panunuod ng trial ni Chief Justice Corona.
Tutal hindi naman ako makasabay sa inglesan ng mga matatalinong at madiskarteng mga "Prosecution team at Defense Team."


Pero bakit ba tayo masyadong nag papa apekto sa Impeachment ni Chief Justice Corona? dahil ba sa kagustuhan nating mahusgahan at mahatulan ang mga masasama? o baka naman dahil gusto natin syang ma "impeach" sa mga kasalanan na ginawa daw nya, pero hindi man mapatunayan.


Hay naku! Kahit ano pa man ang maging desisyon bukas ng mga Senator Judges, tuloy pa rin ang buhay.

No comments:

Post a Comment

ShareThis